Sunday, November 1, 2009

survived acctg2

jioalie arriani fernandez espiritu
(as of november 01, 2009.. hehe)
nakapag update sa wakas ng fs.
gaya ng gimagamit kong term, may SAPOT na 'tong fs ko.
kahit may FACEBOOK account, mas sanay p den ako sa fs. =)

fortunately, nakasurvive ako sa second year first sem ko!
gudbye acctg 2, hello FA. (financial accounting)
kailangan ko pang pagbutihin kasi top 30 lng daw ang kukunin samin.
huhu.. too much Pressure as in capital letter P.
May God bless me with enough wisdom and right attitude.
go lang ng Go!


bago kong kinahihiligan ngayon ang "OVERNIGHT" hehe.
lagi akong nag oovernyt sa mga relatives. minsan ko lng kc cla makasama.
hmmm... sarap s feeling na hindi na (sa ngayon) kailangan gumising sa madaling araw para magbasa ng prac1 =)


si Jioalie ay happy (at understanding Ü). un lang.

Thursday, October 1, 2009

A C C T G 2

WHOOHH..
lapet na finals namen, at puro suspended pa ang klase,
anu kaya magiging resulta nun..
sus, sna naman makapasa sa ACCTG2.

yun na magiging gift ko kina mommy..
Please Help me Almighty God.....

Thursday, June 25, 2009

amen..

nung first day of classes namin last June 15, 2009, nameet namin yung ACCTG2 teacher namin.
we are expecting na si Sir Sabado (kilabot ng BSA) ang magiging teacher namin but at our surprise......
(tenen..!!)
Si Sir Jay-Ar Malubay ang prof namin sa ACCTG2.
He is a CPA, CIA.
galing noh.
how inspiring, mabait siya sa amin at super nag-aadvice siya para lahat kami maging motivated sa
course na 'to.
thankful ako dahil hindi harsh ang pagtuturo niya.
step by step, as we go on, matuto rin ako maging more responsible sa pag-aaral kasi INSPIRED ako by our sir Malubay.
and one thing more, bukod sa graduate siya na NEW ERA, he is currently taking up Evangelical Ministry.
wow! good for him.
May God Bless him.
love you Sir.

sorry lang..

hehe..
magpopost ako ng blog pero hindi ngayon.
okei???
next time talaga.

(walang pasok ng 1 week coz of the a (h1n1) virus.
may victim na teacher sa university namin ehh..
tsk.
tambak ang assignments.)
hmmm..

Sunday, April 12, 2009

*2nd sem final grades (waiting)

whoohhh..
sa April 15, malalaman ko na final grades ko for second semester, hopefully, maayos..
and sana makita ko yung mga roommates ko and more . . .

S A N A, please..

Sunday, March 22, 2009

*thank you po!!!

haist. natapos din sa wakas ang first year ko sa Accounting, masaya pero may mga bagay din akong nasasabi sa sarili ko na SANA nagawa ko habang first year pa lang ako...

i'm very proud of mayself kasi kahit long distance ang guidance ng parents ko, namaintain ko pa rin na mag-aral ng mabuti, hindi katulad ng ibang malayo sa parents na naglilihim sa mga magulang nila.

well, maging active ako sa church kaya siguro maswerte ako... bakasyon ngayon, magagawa ko na ang hindi ko magawa-gawa habang nag-aaral... >>>> T . V . magdamag..!!! >>>> volleyball!! >>>> tayo ng magswimming, OUTING!!!! >>>>relatives' visit!! >>>> matulog ng mahimbing!!!!!

miss ko na d
en mga roommates ko.... super as in!!!!

i'm looking forward to a busy yet productive vacation!!!!





peace men..



Tuesday, February 10, 2009

*Shocks naman oh!

SHOCKS naman oh!

wala pala kaming classes today.

Reasons bakit alang classes?

Accounting : May stomach problems si Sir Linsao.
Economics: Enjoy daw namin ang CBEA week!
English : We don't have classes, but we will have a quiz on Monday!!!

ahah!!! kaya diretso na ko sa comp shop, ito ang "sanctuary" ko eh...
hindi pa ko nakain! gutom na ko. haha.

sayang naman ang pagpaplantsa ko, alang pasok..
jowks! hindi naman sayang. nakalabas ako ng dorm...

ayos 'tong araw na 'to.
bonding with myself. hehe . .

*boses ng umiiyak!

Yesterday(Feb. 1o), naganap sa NEU Hall ang "Accounting Warfare".
First time ko ng makapanuod ng event na yun, kaya hindi ko hinayaan na hindi ako makaattend nun.

That day, we don't have classes because all of the BSA students are expected to help and participate in the event.
Bilang mga first year students, hindi ako nag-eexpect ng masyadong complicated na task kasi nga first timers kami. That morning before the event, kinausap kami ni Kuya Vlad na kami ang nakaassign sa pagsalubong sa mga participants from other schools. magkapartner sa task na yun ang block3 which is yung block namin and ang block4. Nagtanong si Kuya Vlad kung sino ang maglilead sa bawat block. nagtinginan kaming lahat, sabay turo sa'kin ng classmate ko. Aba! Ako pa ang tinuro, pinakamaliit sa klase. shocks, napaOO na lang ako. Gusto ko din namang makatulong kina Ate at Kuya.


Nagstart na kaming mag-usap-usap tungkol sa task namin.
Hindi naman ganun kalakas ang boses ko kaya super effort ako talaga ako para malakasan ko ang boses ko.
So far, maganda nman ang teamwork namin.
Nakagawa kami ng welcome banner, flaglets at ang positioning sa pathwalk ay maayos.
(Galing namin! Rush pa yun ah.)

By 11:45 a.m., nasa mga positions na kami, may hawak na mga yellow flaglets. Natatawa nga ko kasi parang shock na shock yung mga ibang students kasi may mga nakakalat na mga nakared sa pathwalk.
Well, inenjoy na lang namin ang exposure kahit super exhausted na kami.
Sige nga, tumayo ka nga sa pathwalk, maghintay ka sa mga participants ng 2 straight hours!
Grabeness! Inisip ko na lang na, ok lang mapagod na may ginagawa, kesa naman sa iba, nagpapalapad ng kanilang anu. haha.
At least naging kapakipakinabang kami di ba??....

Sunday, February 8, 2009

*first day of CBEA WEEK 2009

this is the first day of CBEA week '09.
well, i'm quite excited kasi this is my first tym to participate in this event.
today is the official opening for the basketball and volleyball tournament.
Sayang kasi I wanted to join in volleyball tournament. Siguro next CBEA week na lang. haha.



Hindi na ko nanuod ng basketball kasi mas pinili kong magpunta sa Univ. Hall kasi guest speaker yung owner ng shop na gustung-gusto kong puntahan, the "Papemelroti".
Fan ako ng mga eco-friendly products nila and I think sila lang ang may ganung klase ng product.
Mahilig din kasi ako magcreate ng things from scratch. Alam niyo ba na puro recycled ang mga ginagamit nilang medium sa paggawa ng kung anu-anong art.
I like the way na i-present nila sa public yung kanilang mga products kasi simple but useful at nahuli ang kiliti ko pagdating sa paper crafts.

nakakatuwa nga yung story ng shop nila.

It started not as "Papemelroti" but as "KorBen".
It's a combination of the couple's name who really started it.
Ang naging guest speaker ay si Mrs. Patricia "Patsy" Alejandro-Paterno.
Isa siya sa limang anak which is yung combination ng mga pangalan kaya nagcome up sila sa
Papemelroti.
Patsy . Peggy . Meldy . Robert . Tina = Papemelroti !
galing di ba????!!!

Yung family talaga nila ay gifted with artistic hands.
na kung ano ang hawakan nila ay siguradong may pakinabang.
Hindi man sila talagang business minded people, walang marketing strategy, at walang capital,
na manage nila maging successful sa field na yun.
alam niyo ba kung bakit????
(hehe.)
Naging successful sila sa business na yun kasi they really build a teamwork as a family where everyone is cooperating. nobody is being left out. katuwa talaga. They did not just think about the profit they can get from the business but also on how to help the community. They are very helpful to those who needed care and help.
And most of all, they are very religious. They put God in the center of their business. Kung mapapansin niyo sa products nila, maypagkareligious talaga.
They are all Catholic but the Mr. Ben Alejandro is a Protestant.
Well, freedom of religion talaga.

Baka super humaba pa itong kwento ko about them pero isa lang ang masasabi ko...

I salute PAPEMELROTI for propagating recycling, para naman may maabutan pang magandang place ang mga susunod pang generations. =)

....................................................................(",)................................................................................................

After ng Lecture Seminar na yun, bumaba na kami ng mga classmates ko para maglunch, syempre nagugutom na kami.
I thought na walang classes sa accouting, meron pala,
kaya, hindi ko na naenjoy ang lunch ko.
parang natapon lang sa tiyan ko..

pero hindi din ako nakaattend kasi ako yung nagrepresent ng block namin sa panata ng BSA para sa ACCOUNTING WARFARE na gagawin bukas(feb.10).
ang tagal kasinagtagubilin pa si kuya vlad.
ako tuloy ang in-charge para sa block namin, hehe.
ayos lang para may nagawa ako sa araw na yun, hindi lang audience....

maaga na din kaming dinismiss ni Sir Linsao, at umalis na din kami, at dumiretso sa comp shop.
adik nga yung dalawa kong roommates, nandito din pala.

2 hours na ata ako dito, kaya uuwi na ako..
hehe.
vavu.